Friday, January 28, 2011

Inom!

originally posted in my Multiply account - May 25 '07
----

...hindi solusyon sa problema ang pag-inom!

ang labo naman kasi sayo pwede mo naman ako kausapin pero instead of talking to someone you'd rather sulk and whine...

alam ko mahina ako sayo, ngayon lang naman tayo nagkakilala eh. pero sana naman wag mong daanin sa paginom inom ang mga problema mo...
nak ng ewan naman eh! kung akala mong makakalimot ka dahil sa paginom - may tama ka! pero ilang oras lang ang tama, ilang oras lang ang kalimot pag nawala na ng hilo, pag nawala na ang tama ng alak, ano? balik ka na naman sa pag katuliro at pag iisip mo.

sana naman totoo yung sinabi mo kanina na huling pag inom mo na ngayon, dahil kung hindi uupakan kita... malakas ang loob ko kasi alam kong hindi mo naman babasahin ito... walakang multiply eh.
---
post script:

sinulat ko 'to para sa isang office crush -- malaki ang problema niya noong nagkakilala kami -- makabangga ka naman kasi ng isang tao, ewan ko na lang. mabuti na lang at di gaanong napuruhan yung nabangga niya, at naisugod naman niya sa hospital. tandang tanda ko noong time na 'yon di siya nag papapasok sa office dahil pag pagkatuliro hanggang sa tuluyan na siyang nag resign, pero kahit ganon tuloy pa rin ang communication namin. masama ang loob ko sa kanya noon ginawa niya na kasing araw-araw ang pag inom ng alak, ang malungkot pa nito Lola lang niya kasama niya dito dahil ang parents niya at mga kapatid niya lahat nasa amerika na. ilang beses din kaming nagkita, ilang beses din siyang umiyak at nag labas ng sama ng loob sa mundo, hindi ko alam kung naging malaking tulong ako sa kanya ng mga panahong yun pero gusto kong isiping naiparamdam ko na isa kong mabuting kaibigan. huling beses kaming nagkita ng august '07, inaya nya akong uminom sa "Meatshop" may sasabihin daw kasi siya sa akin, akala ko noong una mag tatapat na gusto niya rin ako 'yun pala mag papaalam kasi approved na yung petition sa kanya at aalis na siya papuntang US, t'was memorable for a number reason, pero ang pinaka maalala ko aside sa "Meatshop" ay ang pagnanakaw niya ng halik sa akin bago ko bumaba ng kotse. makes me smile everytime i remember. ngayon, masaya na siya sa amerika, huling balita ko malapit na siyang ikasal.

No comments:

Post a Comment