Crap! I totally feel like crap right now! I just lost my beloved BB. Well its my fault actually, got a little carried away. Had too many drinks over the weekend and the next thing I knew I'm waking up on my bed with no clothes on -- hang-over with no phone.
Oh well, lesson learned. I will get a new one soon!
Tuesday, February 1, 2011
Friday, January 28, 2011
Inom!
originally posted in my Multiply account - May 25 '07
----
...hindi solusyon sa problema ang pag-inom!
ang labo naman kasi sayo pwede mo naman ako kausapin pero instead of talking to someone you'd rather sulk and whine...
alam ko mahina ako sayo, ngayon lang naman tayo nagkakilala eh. pero sana naman wag mong daanin sa paginom inom ang mga problema mo...nak ng ewan naman eh! kung akala mong makakalimot ka dahil sa paginom - may tama ka! pero ilang oras lang ang tama, ilang oras lang ang kalimot pag nawala na ng hilo, pag nawala na ang tama ng alak, ano? balik ka na naman sa pag katuliro at pag iisip mo.
sana naman totoo yung sinabi mo kanina na huling pag inom mo na ngayon, dahil kung hindi uupakan kita... malakas ang loob ko kasi alam kong hindi mo naman babasahin ito... walakang multiply eh.
ang labo naman kasi sayo pwede mo naman ako kausapin pero instead of talking to someone you'd rather sulk and whine...
alam ko mahina ako sayo, ngayon lang naman tayo nagkakilala eh. pero sana naman wag mong daanin sa paginom inom ang mga problema mo...nak ng ewan naman eh! kung akala mong makakalimot ka dahil sa paginom - may tama ka! pero ilang oras lang ang tama, ilang oras lang ang kalimot pag nawala na ng hilo, pag nawala na ang tama ng alak, ano? balik ka na naman sa pag katuliro at pag iisip mo.
sana naman totoo yung sinabi mo kanina na huling pag inom mo na ngayon, dahil kung hindi uupakan kita... malakas ang loob ko kasi alam kong hindi mo naman babasahin ito... walakang multiply eh.
---
post script:
sinulat ko 'to para sa isang office crush -- malaki ang problema niya noong nagkakilala kami -- makabangga ka naman kasi ng isang tao, ewan ko na lang. mabuti na lang at di gaanong napuruhan yung nabangga niya, at naisugod naman niya sa hospital. tandang tanda ko noong time na 'yon di siya nag papapasok sa office dahil pag pagkatuliro hanggang sa tuluyan na siyang nag resign, pero kahit ganon tuloy pa rin ang communication namin. masama ang loob ko sa kanya noon ginawa niya na kasing araw-araw ang pag inom ng alak, ang malungkot pa nito Lola lang niya kasama niya dito dahil ang parents niya at mga kapatid niya lahat nasa amerika na. ilang beses din kaming nagkita, ilang beses din siyang umiyak at nag labas ng sama ng loob sa mundo, hindi ko alam kung naging malaking tulong ako sa kanya ng mga panahong yun pero gusto kong isiping naiparamdam ko na isa kong mabuting kaibigan. huling beses kaming nagkita ng august '07, inaya nya akong uminom sa "Meatshop" may sasabihin daw kasi siya sa akin, akala ko noong una mag tatapat na gusto niya rin ako 'yun pala mag papaalam kasi approved na yung petition sa kanya at aalis na siya papuntang US, t'was memorable for a number reason, pero ang pinaka maalala ko aside sa "Meatshop" ay ang pagnanakaw niya ng halik sa akin bago ko bumaba ng kotse. makes me smile everytime i remember. ngayon, masaya na siya sa amerika, huling balita ko malapit na siyang ikasal.
Wednesday, January 12, 2011
Alam mo...
originally created for school paper '04
----
Alam mo, nakakatawang isipin kung paano ko nasabi sa sarili ko na “I BELIEVE IN LOVE.”
Nakakatawa kasi sa buong buhay ko, ni wala pa yatang nagpakita o nagparamdam sa akin ng lintek na pagmamahal na yan. Ang ibig kong sabihin yung pagmamahal na tipong nakakabiliw, ‘yung halos mabaliw sa akin yung taong ‘yon; kasi ako, mabaliw-baliw ako sa tuwing na in-love.
Sabi nga minsan nung isa, “WE’RE BETTER OF AS FRIENDS.” PUCHA!!! Kaibigan?! Sa lahat ng ginawa ko para sa kanya at sa lahat ng sinakripisyo ko, kaibigan lang pala. Ano ba ito?! Lokohan!! Pero sige sabi ko “MOVE ON, MOVE ON.”
Tapos ‘yung isa sinabi, “HINDI NAMAN AKO NAGKULANG! SINABI KO NAMAN SA’YO LAHAT-LAHAT UMPISA PA LANG! NILINAW KO SA’YO! PERO MUKHANG HINDI KA MARUNONG UMINTINDI!!!” Hanep naman, binisita mo na sa bahay, nagpaka sweet ka na, nagpakababa at halos mabaliw ka na para lang magawang mapaligaya siya. Tapos sisisihin ka dahil hindi mo na kayang kontrolin ang sarili mong nararamdaman para sa kanya. Pero ano pang magagawa ko. Ang sabi ko na lang sa sarili ko, “ITS YOUR LOSS, NOT MINE!” <kahit na masakit!>
Meron din namang ibang humahabol habol, nagpapalipad hangin at nagmamaganda!!! At kung kelan mo na balak makipag seryosohan sa taong yon saka naman siya hihinto. Dahil nalaman na daw niya kung anong gusto niya at kung sinong para sa kanya. Hanggang sa umiwas na lang siya, di kayo magpansinan at hanggang sa tuluyan ng lumaki ang gap niyo sa isa’t isa. Ang sabi ko na lang sa sarili ko, “BAHALA KA! MARAMI PA NAMANG IBA DYAN!” Tapos sige move on ulit.
Pero higit sa lahat ito ang pinaka maganda!!! Nanligaw ka, tapos sinagot ka. Maganda na sana ang relationship nyo pero isang araw sasabihin na lang niya, “HINDI KO NA KAYA! TAPUSIN NA NATIN ITO!!!” Iniwan na lang ako basta dahil sa isang dahilang hindi ko malunok, matanggap, masakayan at maintindihan. Ni hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko siyang suntukin, upakan, tadyakan at bugbugin ng paulit ulit dahil baka sakalaing matauhan at sabihing “JOKE LANG PO!” Pero hindi. Sa halip na maramdaman niya ang sakit ng mga suntok at kirot sa mga upak ko, ako pa ang halos mamatay dahil sa triple o higit pang sakit ng mga tadyak na muling bumalik sa akin. Sa huli, wala akong magawa kung hinde tanggapin ang lahat at maging masaya para sa kanya at sa bago niyang minamahal.
Totoong nakakapagod magmahal. Pero bakit pa rin ako patuloy na naghihintay? Masayado lang ba mataas ang tiwala ko sa love o sadyang engot lang talga ako. Pareho ata! Kakambal na kasi ng pagtitiwala ko ang love na yan!
Masarap magmahal kahit na hindi mo alam kung mahal ka rin niya. Basta ikaw mahal mo sya! Yun lang ang importante. Makita mo lang siya, iba na ang feeling, madikit lang sa’yo ang isang sinulid ng damit niya feeling mo hinawakan ka na niya, at higit sa lahat sabihin ka lang niya ng “HELLO!” halos mabuwang ka na… biruin mo ba naman, kinausap ka ng taong kumumpleto sa pagkatao mo.
Madrama na kung madrama. Pero ganon talaga pag in-love. Walang corny-corny, basta para sa iyo, kahit na may corn field pa sa utak ko, okay lang sa akin, mapasaya ko lang siya; dahil patuloy akong magmamahal at aasa na sana nga tayo na forever and ever.
Ako? Takot na akong main-love ulit. Takot na balikan ng mga suntok ng pagibig. Kaya lang nakilala kita kaya ito, muling nabuhay ang pag asa ko sa love. Kaya nga nasabi ko sa sarili ko “SIGE LANG, ITUTULOY KO ITO! MALAY KO KUNG IKAW NA ANG KATAPAT KO!”
Takot man ako pero kakayanin ko ang takot kong ito. Hindi para sa akin, kundi para sa iyo. Sa taong muling nagpatibok ng puso kong tanga. Yung taong aalagaan ko at aalagaan ako; yung taong parating nariyan para sa akin at yung taong handa kong damayan sa lahat ng oras. HAAAYY!!!
Masarap at masakit umbig. Magkakambal yan.
Ngayon ito ako, puno ng pag asa para sa iyo. Kaya nga sabi ko “I BELIEVE IN LOVE CAUSE I’VE MET YOU!”
--------
post script:
in-love ako noong panahong sinulat ko 'to. halos lahat ng tao sa school ito bulong bulungan ng lumabas ito sa school paper, biruin mo ang isang kagaya kong libro, project at practice for inter-school competition ang inaatupag ay in-love. lol alam nya na siya ang tinutukoy ko ng lumabas ito pero alam kong wala ding pag-asa ang love na sinasabi ko ng minsang mag usap kami at sabihan nya akon "thank you" sa article. lol nakakatawang isipin, pero ganon talaga. magkaibigan pa din naman kami hanggang ngayon kagaya ng mga taong nauna sa kanya sa buhay ko.
Thursday, January 6, 2011
Who Am I?
Just to make things clear I'm not really mean or annoying, in fact, I'm actually good natured and reserve, the blog name stemmed from my childhood angst. LoL
I used to write and for some weird reason I stopped 6 years ago. I'm not sure what really triggered it or whether I just lost interest. I'll start by transferring and compiling all my previous entries from various website to this blog and hopefully it will allow my creative juices to flow in again and go back to writing.
I used to write and for some weird reason I stopped 6 years ago. I'm not sure what really triggered it or whether I just lost interest. I'll start by transferring and compiling all my previous entries from various website to this blog and hopefully it will allow my creative juices to flow in again and go back to writing.
Subscribe to:
Comments (Atom)